Maymay, may dugong ibang lahi na naman ang jowa!


RATED A — Aster Amoyo — Pilipino Star Ngayon

October 21, 2025 | 12:00am

Alam mo, Salve A., pang-foreigner talaga ang beauty ng dating Pinoy Big Brother: Lucky7 Big Winner na si Maymay Entrata.

?Una siyang na-link sa dating kasamahan sa PBB: Lucky 7-turned host-actor na si Edward Barber na isang Filipino-British. Naging kasintahan din niya ang Canadian non-showbiz guy na si Aaron Haskell until their break-up nung 2022.  At ngayon naman ay may bago na siyang boyfriend sa katauhan ng Fil-Am model at baguhang  Holly­wood actor na si Joaquin Enriquez na ang ina ay Filipino at mukhang Latin-American ang ama.

?Wala pang detalye kung paano nagkakilala ang dalawa. Ang mahalaga ngayon ay masaya na naman ang puso ng 28-year-old na si Maymay.

?It was only last Sunday, October 19, 2025 nang mag-post ng isang short video si Enrique na nasa isang beach at maya-maya lamang ay lumapit sa kanya si Maymay.

?Si Enrique ay nagtapos ng Theater Arts sa University of California nung isang taon. Habang nag-aaral ay namasukan ito sa isang restaurant para matustusan ang kanyang sarili at ang kanyang pag-aaral.

?He already appeared in several short films tulad ng Echos of the Attack, Project Yellow Lights, Love/Story, at iba pa. Meron din siyang upcoming TV series na pinamagatang Madame Hula.

?Who would ever think na ang isang simpleng bata from Camiguin ay tatanghaling star balang araw.

?On record, si Maymay ang kauna-unahang Filipina na rumampa sa Arab Fashion Week in Dubai.

Sa kanyang tatlong albums under Star Music, may isa siyang super hit song, ang Amakabogera na ang melody ay ginamit sa hit TVC nila ni Vice Ganda for ­McDonald’s.

A singer, dancer, actress, model, host, and celebrity endorser, ang lahat nang ito ay na-achieve na ni Maymay at masaya pa ang lagay ng kanyang puso ngayon.