Aguy! | Pilipino Star Ngayon


PRESS ROW — Abac Cordero — Pilipino Star Ngayon

October 22, 2025 | 12:00am

Double black eye para sa UE Warriors.

Una, suspended ng three games ang player na si Wello Lingolingo para sa unsportsmanlike foul kay Kean Baclaan ng La Salle sa UAAP game nila nung Oct. 15.

Agawan sa loose ball at nadaganan ni Lingolingo ang tuhod ni Baclaan na nakahiga sa sahig. Pwedeng accidental, pwedeng hindi.

Of course, kay Lingolingo, accidental. Ang masaklap, MCL injury si Baclaan and out for the rest of the season.

Nag-apologize si Lingolingo pero tuloy ang suspension.

Si coach naman, pumutok ang buchi sa tawag ng referees. Kaso, ang dami niyang sinabi sa harap ng media. Dala na rin siguro ng frustration dahil sa pagtatapos ng first round, 0-7 ang UE.

Niyari niya ang referees at sana daw. Matatalas na salita ang binitawan. Ang sabi ng UAAP, “unprofessional.”

Nung una, warning lang ang nakuha ni coach sa bagong commissioner na si Jai Reyes. Pero nung UAAP board na ang umupo, doon lumabas ang four-game suspension.

Akala ko, safe na.

Lumabas tuloy na overruled ng board ang commissioner.

Next time na may controversial issue, huwag n’yo na siyang tanungin.