Celtics nalusutan ng 76ers | Pilipino Star Ngayon


Pilipino Star Ngayon

October 24, 2025 | 12:00am

BOSTON — Nagpasabog si Tyrese Maxey ng 40 points at nagdagdag si VJ Edgecombe ng 34 markers sa kanyang NBA debut sa 117-116 pagtakas ng Philadelphia 76ers sa Celtics.

Iniskor ni Edgecombe ang pinakamaraming puntos sa isang NBA debut matapos ang 43 markers ni legend Wilt Chamberlain noong Oktubre 24, 1959.

Naglaro si star center Joel Embiid para sa Philadelphia sa unang pagkakataon simula noong Peb­rero at tumapos na may apat na puntos mula sa 1-of-9 field goal shooting.

Mintis ang dalawang free throws ni Payton Pritchard na nagpanalo sana sa Boston.

Pinamunuan ni Jaylen Brown, nagmula sa isang hamstring injury, ang Cel­tics sa kanyang 25 points.

Sa New York, naglista si OG Anunoby ng 24 points at 14 rebounds at may 23 markers si Jalen Brunson sa 119-111 panalo ng Knicks sa Cleveland Cavaliers.

Nagdagdag si Karl-Anthony Towns ng 19 points at 11 rebounds.

Sa iba pang laro, tinalo ng Orlando Magic ang Miami Heat, 125-121; dinomina ng Toronto Raptors ang Atlanta Hawks, 138-118; wagi ang Chicago Bulls sa Detroit Pistons, 115-111; at pinatumba ng San Antonio Spurs ang Dallas Mavericks, 125-92.