Elasto Painters muntikan sa Bossing


Russell Cadayona — Pilipino Star Ngayon

October 25, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines —  Muntik mabalewala ang hawak na 19-point lead ng Rain or Shine matapos kunin ang 110-100 panalo sa Blackwater sa PBA Season 50 Philippine Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Bumangon ang Elasto Painters mula sa naunang 93-111 kabiguan sa San Miguel Beermen noong Linggo para itayo ang 2-1 kartada.

Kumolekta si center Keith Datu ng 20 points, 8 rebounds at 2 blocks para banderahan ang tropa ni coach Yeng Guiao habang may 17, 16 at 13 mar­kers sina Adrian Nocum, Jho­nard Clarito at Gian Mamuyac, ayon sa pagka­kasunod.

Laglag ang Bossing sa ikalawang dikit na kamalasan para sa 1-2 baraha.

Kinuha ng Rain or Shine ang 14-point halftime lead patungo sa paglilista ng 19-point advantage bago naagaw ng Blackwater ang 88-85 bentahe sa gitna ng fourth quarter.

Umiskor si Nocum ng walo sa inihulog na 16-3 bomba ng Elasto Painters para muling mapasakamay ang kalamangan patungo sa kanilang panalo sa Bossing.

Binanderahan ni R­i­chard Escoto ang Blackwater sa kanyang 20 points at may 19 markers si Jack Cruz-Dumont.

Nag-ambag si Christian David ng 18 points kasunod ang 15 markkers ni Sedrick Barefield.