Pilipino Star Ngayon
October 26, 2025 | 12:00am
NEW YORK — Naghulog si Donovan Mitchell ng 35 points habang may 22 markers si Jarrett Allen sa 131-124 pagbutas ng Cleveland Cavaliers sa Brooklyn Nets.
Nag-ambag si Sam Merrill ng 22 points at may 13 markers si Evan Mobley para sa Cavaliers na nauna nang natalo sa New York Knicks sa season opener.
Umiskor si Cam Thomas ng 33 points kasunod ang 31 markers ni Michael Porter Jr. para sa 0-2 marka ng Nets.
Nagtayo ang Cleveland ng isang 25-point lead sa third quarter bago nakalapit ang Brooklyn sa 120-121 sa 3:48 minuto ng laro.
Isang maikling 6-0 atake ang ginawa ng Cavaliers para muling makalayo sa Nets sa 127-120.
Sa Orlando, iniskor ni Trae Young ang anim sa kanyang 25 points sa huling 46 segundo sa 111-107 pagdagit ng Atlanta Hawks sa Magic.
Kumamada si Franz Wagner ng game-high 27 points para sa Orlando.
Sa iba pang laro, sinunog ng Miami Heat ang Memphis Grizzlies, 146-114; panalo ang New York Knicks sa Boston Celtics, 105-95; nakalusot ang Detroit Pistons sa Houston Rockets, 115-111; at pinabagsak ng Sacramento Kings ang Utah Jazz, 105-104.