Bubot na Bayabas (104) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

October 30, 2025 | 12:00am

“Kapag nakita natin ang underground ce­metery, malapit na tayo sa bahay ni Tandang Santo,” sabi ni Manang.

“Ano pong underground cemetery?’’ tanong ni Guava na himig nagkaroon ng interes.

“Libingan daw nung pa­nahon ng Kastila. Nasa ilalim ng lupa.”

“Talaga, Manang?”’ tanong ni Apol.

“Yun ang sabi sa akin. Hindi pa naman ako naka­karating dun.”

“Ano kaya at pagka­tapos nating magkunsulta kay Tandang Santo e pa­s­yal tayo sa underground cemetery,’’ sabi ni Guava.

“Sige. Para makita natin kung ano ang semen­teryo sa ilalim ng lupa,” sabi ni Apol.

Nagpatuloy sila sa pag­lalakbay. Napakaganda ng kalsada sa Nagcarlan. Talo ang EDSA.

Dumaan sila sa zigzag. Parang bitukang manok.

Paglampas ng zigzag ay kabahayan na.

“Malapit na tayo sa underground,” sabi ni Manang.

Maya-maya nakita nila ang malawak na lupa na may bakod na bakal.

“Yan ang underground.”

“Ang laki pala.”

Mga ilang minuto ma­ka­lampas sa underground ce­metery ay ang mala­king bahay na puti.

“”Yan ang bahay ni Tandang Santo,” sabi ni Manang,

“Ang laki!” sabi ni Apol.

(Itutuloy)