November 3, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Humakot si nine-time PB MVP June Mar Fajardo ng double-double, habang iniskor ni Juami Tiongson ang lahat ng kanyang 14 points sa fourth quarter sa 96-90 paglasing ng San Miguel sa Converge sa PBA Season 50 Philippine Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.
Tumapos si Fajardo na may 24 points at 16 rebounds para sa ikatlong dikit na pananalasa ng Beermen mula sa 0-2 panimula.
Nagdagdag si CJ Perez ng 13 markers.
“Ni-remind niya talaga sa amin na important iyong win kasi everyone’s tight. We make sure na we get this win,” wika ni Tiongson kay coach Leo Austria.
Nagwakas naman ang two-game winning run ng FiberXers para sa 3-2 kartada.
Bumangon ang San Miguel mula sa 12-point deficit, 29-41, sa second period para agawin ang 61-53 bentahe sa likod nina Fajardo at Rodney Brondial sa 5:39 minuto ng third quarter.
Bumida naman si Tiongson at ibinaon ang Converge sa 88-80 sa huling limang minuto ng final canto.
Sa likod nina Sschonny Winston, Justine Baltazar at Justin Arana ay nakalapit ang FiberXers sa 90-95 sa nalalabing 58 segundo.
Nagkaroon ng turnover si Perez sa posesyon ng Beermen.
Ngunit tumalbog ang mga tangka sa three-point line nina Alec Stockton at Winston sa panig ng Converge.
Kumamada si Winston ng 20 points, habang may 19 markers si Baltazar.
