Reaves, Doncic bumida sa Lakers


Pilipino Star Ngayon

November 30, 2025 | 12:00am

LOS ANGELES — Bumira si Austin Reaves ng 38 points habang naglista si Luka Doncic ng 35 points at 11 assists sa 129-119 demolisyon ng Lakers sa Dallas Mavericks.

Kumonekta rin si Rea­ves ng anim na three-poin­ters habang nagsalpak si Doncic ng apat na triples sa pagwalis ng Los A­ngeles (14-4) sa kanilang apat na laro sa NBA Cup group play patungo sa quarterfinals.

Umiskor si LeBron James ng 13 points tampok ang krusyal na there-pointer sa huling dalawang minuto ng laro.

Nadiskaril naman ang pagbabalik ni Anthony Davis para sa Dallas (5-15) at tumapos na may 13 points at 5 rebounds.

Kumamada si P.J. Washington ng 22 points at may 17 markers si Ryan Nembhard  habang tumipa si rookie Cooper Flagg ng 13 points, 11 assists at 7 rebounds sa pang-limang kabiguan ng Mavericks sa huling anim na laro.

Sa iba pang laro, lusot ang nagdedepensang Oklahoma City Thunder sa Phoenix Suns, 123-119; panalo ang Orlando Magic sa Detroit Pistons, 112-109  at tinalo ng San Antonio Spurs ang Denver Nuggets, 139-136.