Hawks tusok sa Cavaliers | Pilipino Star Ngayon


Pilipino Star Ngayon

November 4, 2025 | 12:00am

CLEVELAND — Nag­sal­pak si Donovan Mitchell ng walong three-pointers at tumapos na may season-high 37 points sa 117-109 pagtusok ng Cavaliers sa At­lanta Hawks.

Nagbalik sa lineup ng Cleveland (4-3) si Mitchell ma­tapos magkaroon ng hamstring tightness.

Nagdagdag si Jalen Ty­son ng career-best na limang triples para sa 18 points, habang may 18 at 14 markers sina De’Andre Hunter at Evan Mobley, ayon sa pagkakasunod.

Hindi naglaro para sa Atlanta (3-4) si injured star guard Trae Young (sprained right medial colla­teral ligament).

Pinamunuan ni Jalen Johnson ang Hawks sa kan­yang 23 points at 13 re­bounds at naglista si Kris­taps Porzingis ng 15 points at 12 boards.

Ang tres ni Mobley ang naglayo sa Cavaliers sa 109-100 sa huling 1:24 mi­­­nuto ng fourth quarter, ha­bang ang isa pang triple ni Tyson ang sumelyo sa ka­nilang panalo.

Sa iba pang laro, di­no­mi­na ng nagdedepensang Oklahoma City Thunder ang New Orleans Pelicans, 137-106, dinaig ng LA La­kers ang Miami Heat, 130-120; at sinunog ng Phoenix Suns ang San Antonio Spurs, 130-118.