Pilipino Star Ngayon
November 7, 2025 | 12:00am
LOS ANGELES — Nagsumite si Luka Doncic ng 35 points, 13 assists, 9 rebounds at 5 steals para banderahan ang Lakers sa 118-116 pagtakas sa San Antonio Spurs.
Tinapos ng Los Angeles (7—2) ang fourth quarter sa isang 21-10 atake para sa kanilang pang-limang sunod na ratsada.
Humakot si center Deandre Ayton ng 22 points at 10 rebounds.
Nagkaroon ang San Antonio (5-2) ng tsansang makatabla matapos ang inbound violation ni Marcus Smart makaraan ang putback layup ni Kelly Olynyk sa huling 1.2 segundo.
Nakahugot ng foul si Justin Champagnie kay Jake LaRavia, ngunit naimintis nito ang unang free throw.
Bumangon ang Lakers mula sa isang nine-point deficit sa kalagitnaan ng fourth quarter tampok ang go-ahead three-pointer ni Doncic sa huling 2:31 minuto.
Kumolekta si center Victor Wembanyama ng 19 points at 8 rebounds para sa Spurs bago na-foul out sa huling 1:39 minuto ng laro.
Nag-ambag sina Stephon Castle at Jeremy Sochan ng tig-16 points.
Sa Portland, minantsahan ng Trail Blazers ang dating malinis na record ng nagdedepensang Oklahoma City Thunder matapos ilusot ang 121-119 panalo.
Tumipa si Deni Avdija ng 26 points, 10 rebounds at assists para sa Portland (5-3).
Kumamada si Shai Gilgeous-Alexander ng 35 points sa panig ng Oklahoma City (8-1).
Sa iba pang laro, umeskapo ang New Orleans Pelicans sa Dallas Mavericks, 101-99; nirapido ng Boston Celtics ang Washington Wizards, 136-107; at panalo ang Brooklyn Nets sa Indiana Pacers.
