Knicks sinilaban ng Heat | Pilipino Star Ngayon


Pilipino Star Ngayon

November 19, 2025 | 12:00am

MIAMI — Umiskor si Norman Powell ng 19 points at kumolekta si Kel’el Ware ng 16 points at 14 rebounds sa 115-113 pagsunog ng Heat sa New York Knicks.

Kumamada si Davion Mitchell ng 18 points para sa Miami (8-6) na nakahugot kina Simone Fontecchio, Jaime Jaquez Jr. at Pelle Larsson ng 14 at tig-13 markers, ayon sa pagkakasunod.

Bumira si Deuce McBride ng 25 points sa panig ng Knicks (8-5) at may 23 markers si Mikal Bridges.

Humakot si Karl-An­thony Towns ng 22 points at 16 rebounds para sa Knicks na nakadikit sa 113-114 sa huling 22.4 segundo ng fourth period matapos ang triple ni Towns.

Ang free throw ni M­it­chell ang nagbigay sa Heat ng 115-113 abante sa nala­labing 20 segundo.

Mintis ang jumper ni McBride at ang follow-up ni Towns sa posesyon ng New York  habang na­hab­lot ni Mitchell ang final rebound para sa Miami.

Sa iba pang laro, dinomina ng nagdedepensang Oklahoma City Thunder ang New Orleans Pelicans, 126-109; tinalo ng Minnesota Timberwolves ang Dallas Mavericks, 120-96; lusot ang Philadelphia 76ers sa Los Angeles Clippers, 110-108; at dinaig ng Chicago Bulls ang Denver Nuggets, 130-127.