November 19, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Gumugulong na ang naturalization ni dating San Miguel Beer import Bennie Boatwright para maging bahagi ng Gilas Pilipinas sa mga susunod na international tournaments.
Nasa Maynila na si Boatwright para sumalang sa ilang sesyon na magpapalakas upang mabilis na maaprubahan ang kanyang naturalization.
Ilang dokumento pa ang kailangang isumite ni Boatwright para maayos na ang naturalization nito.
Sa oras na matapos na ang lahat, babalik agad si Boatwright sa Taiwan dahil import ito ng Taipei Fubon Braves sa Taiwan P+League.
“He’s here for a maximum five days. That’s all his team has allowed him to stay,” ani Cone sa isang ulat.
Minamadali na ang naturalization ni Boatwright na magiging kahalili ni Justin Brownlee sa Gilas Pilipinas.
Target na maisama si Boatwright sa tropa para sa FIBA World Cup at LA Olympics kung papalaring magkwalipika sa dalawang naturang torneo.
“We’re excited to have him if. His size and versatility are the keys to his success with him. Just having him around the team at this point is a bonus, even if he can’t participate in our practices,” ani Cone.
Nakatakdang dumalo si Boatwright sa hearing sa congress para sa naturalization nito.
Nagsimula na ang ensayo ng Gilas kahapon sa Blue Eagle Gym sa Ateneo de Manila University.
Dumating sa ensayo si Brownlee na napaulat na galing sa sakit matapos magtamo ng pneumonia.
“We’re all chopping in a bit, ready to go, and I know the guys are. I think we really know how important this Guam series is for us. I think it’s absolutely crucial if we want to make the World Cup,” dagdag ni Cone.