Magandang umaga po | Pilipino Star Ngayon


PRESS ROW — Abac Cordero — Pilipino Star Ngayon

November 19, 2025 | 12:00am

Dumating sa bansa si Benny Boatwright, ang dating import ng San Miguel Beermen sa PBA na balak gawin naturalized player ng Gilas Pilipinas.

Sana matuloy and proseso dahil kailangan ng Gilas si Boatwright. Bata sa edad na 29 at matangkad — 6’10” lang naman.

Magandang investment si Boatwright, na muntikan na makapasok sa NBA, para eventually pamalit kay Justine Brownlee na 37 years old na o kay Ange Kouame. Kung maalala n’yo, naging naturalized players din natin sila CJ Giles, Marcus Douthit at Andray Blatche.

Mahabang process ang naturalization dahil dadaan sa Congress. Kaya ‘yun ang first step. Ihaharap nila si Boatwright sa mga mambabatas.

At least, naturalization ang topic at dehins flood control.

Habang nasa Pinas, magiging observer din si Boatwright ng Gilas practices para kahit papano, magkaroon siya ng idea sa patakbo at sistema ni coach Tim Cone.

Basta ang importante eh yung first session niya sa Congress.

May tip ako kay Boatrwight at kung sino man ang magsasama sa kanya sa hearing.

Simulan niya ang lahat ng isang “Magandang umaga po.”

Simpleng simple.