Philstar.com
November 22, 2025 | 7:59pm
MANILA, Philippines — Isasaere ng Cignal, ang nangungunang multi-platform media company sa bansa, ang kampanya ng Team Philippines sa 33rd Southeast Asian Games sa Thailand sa Disyembre bilang official broadcaster.
Taglay ang kanilang award-winning “We Are Sports” mantra, ihahatid ng Cignal ang isa na namang komprehensibong pag-uulat sa pagsabak ng mga Filipino athletes sa mga events sa Bangkok, Chonburi at Songkhla sa Disyembre 9 hanggang 20.
“Cignal is honored to stand alongside our athletes and fans once again,” ani Jane Jimenez-Basas, ang resident at CEO ng MediaQuest Holdings Inc. at Cignal. “We reaffirm our pledge to deliver world-class coverage that unites the nation with every heartbeat, every cheer, and every victory as we pray for our athletes to reap more gold medals.”
Masasaksihan ito ng mga fans sa network na nag-aalok ng kabuuang unified broadcast sa free TV sa One Sports, RPTV, real-time updates sa TV5; pay TV on One Sports+; at sa kanilang mga OTT platforms na top sports streaming app na Pilipinas Live at Cignal Play.
Bukod dito, dalawa pang pop-up channels na nakatutok sa pagpapalabas sa biennial meet ang ilulunsad para sa mga milyun-milyong Cignal subscribers kung saan ang mga round-the-clock live broadcasts, highlights at updates ay mapapanood.
Ito ang nagsisilbing muling pagtatambal ng Cignal at ng Philippine Olympic Committee (POC) matapos ang matagumpay na kolaborasyon sa nakaraang 2024 Paris Olympics.
Itinatampok dito ang suporta ng Cignal’ sa Team Philippines sa kanilang hangad na tagumpay sa international stage.
