November 26, 2025 | 12:00am
Akala ko eh namalikmata ako sa nakita ko sa TV.
Gymnastics competition ang palabas – ang World Junior Artistic Gymnastics Championships na ginanap sa Mariott Hotel sa Pasay City last week.
Si Eldrew Yulo ang nakasalang at mula sa inuupuan ko, akala ko eh replay ng Paris Olympics.
Kamukha kasi ni Eldrew ang kanyang kuya na si Caloy Yulo, ang world champion at two-time gold medalist sa Paris Olympics last year.
Dehins lang ako ang nalito. Talagang hawig ni Eldrew si Caloy. Pati buhok, katawan at kilos.
Ang maganda rito, matinik din ang 18-year-old na Eldrew na seven years younger than Caloy.
At maraming pinasaya si Eldrew na nanalo ng bronze medals sa horizontal bars at floor excercise, kung saan Olympic champion si Caloy.
Umabot din sa finals ng all-around at vault si Eldrew pero dehins pinalad at naungusan sa medal.
Ang paniwala ng iba, pwedeng parehong pumasok sa Los Angeles Olympics sa 2028 ang dalawang Yulo.
‘Yan ang magandang abangan.
Full support si Caloy kay Eldrew at nanood sa mga laban. Pati mga magulang nila, na alam natin eh may hidwaan kay Caloy, dumalo.
Nagyakapan si Eldrew at Caloy after ng awarding.
Ito na kaya ang simula ng reconciliation ng buong Yulo family?