NU Pep target ang back-2-back crown


Elech Dawa — Pilipino Star Ngayon

November 29, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Puntirya ng National University ang back-to-back titles pagsirko nila sa UAAP Season 88 Cheerdance Competition na ila­larga ngayong araw sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Maliban sa pagdepensa ng kanilang korona, nais din ng NU Pep na umukit ng kasaysayan sa pagsilo ng record-breaking ninth crown.

Pang-anim sa competition order na magpapasiklab  ang NU, gagabayan ito sa pangalawang season ni head coach Gab Bacajan para makahulagpos sa University of Sto. Tomas at  University of the Philippines na may tig-walong kampeonato.

“Very different from what we were doing last year. Yung pinaghihirapan namin gawin the pre­vious years pa, nagbunga nga­yon,” ani  Bacajan. “We are happy that we have new  players coming in now, and this will prepare them when they are seniors already. Madami kaming ga-graduate kasi this year.”

Nanawagan ang organizers sa mga fans na mag suot ng puting damit bilang suporta sa panawagan ng Catholic Bishops’ Confe­rence of the Philippines.

“Cheerdance can also be a platform,” ani UAAP Season 88 president Fr. Rodel Cansancio ng host UST.

Sisimulan naman ng UP Varsity Pep Squad ang kampanya na may Christmas-themed routine, sunod ang University of the East na magpapakita ng kakaibang galaw na High School Musical.