February 26, 2025 | 12:00am
Nakakuha ang action-drama series ng ABS-CBN na Incognito ng all-time high viewership record nang magtala ng 997,260 peak concurrent viewers sa episode nito noong Biyernes (Peb. 21) matapos abangan ang kahihinatnan ng mga rogue mission ng Kontraks.
Dalawang beses na nakapagtala ng all-time high viewership record ang serye noong nakaraang linggo matapos makakuha ng 851,693 viewers noong Miyerkules (Peb. 19).
Patuloy na sinusubaybayan ng mga manonood ang mga personal na misyon nina JB Bonifacio (Richard Gutierrez) at Andres Malvar (Daniel Padilla) kasama si Max Alvero (Kaila Estrada), na kunin ang masterlist ng Timor na naglalaman ng mga pangalan ng mga taong konektado sa human trafficking operation nito.
Sa kabilang banda, nagpatulong si Gab Rivera (Maris Racal) kay Tomas Guerrero (Anthony Jennings) upang makuha ang isang package sa bahay na tinitirhan ng kanyang ama, habang ipinaglalaban naman ni Miguel Tecson (Baron Geisler) ang karapatan nito sa anak na si Mickey.
Nananatili rin ang Incognito bilang isa sa Top 10 TV Shows ng Netflix PH, habang pinakapinapanood na serye pa rin ito sa iWantTFC.
Ang isang confirmed, nasa online na ang viewers.
