December 12, 2025 | 12:00am
Kung tutuusin, sa dami ng iskandalo sa gobyerno, bihira ka makakita ng opisyal na hindi nagpapogi, hindi nagyayabang, pero solid ang ginawa. Diyan pumapasok si Executive Sec. Ralph Recto, ’yung tipong tahimik pero matinik pagdating sa numero at batas.
Ayun na nga. Nagkagulo dahil sa P60 bilyon na “excess funds” ng PhilHealth na nilipat sa Treasury. Marami agad ang nag-akusa, parang kung sinu-sino ang abogado sa comment section.
Pero nung binuksan ng Korte Suprema ang libro, malinaw hindi ito solo mission ni Recto. Utos ito ng Kongreso sa GAA, at may basbas ng OSG, OGCC, GCG, COA, pati mismong PhilHealth Board. Ika nga, bound by duty ang tao hindi pasikatan.
Pero eto ’yung plot twist: imbes na malustay o mauwi kung saan, ’yung P60 bilyon na ’yan, napunta sa health benefits, ospital, medical equipment, pandemic allowances, dialysis, cancer packages, heart surgeries, at kung anu-anong big-ticket na suporta sa mga pasyente.
Lahat ’yon, dahil nilaro ni Recto sa tama hindi ginalaw ang kontribusyon ng miyembro, subsidies lang. Dahil sa move niya, naka-save ang bansa ng halos P20B sa interes sa utang, at hindi na kinailangang magpataw ng bagong buwis sa mga Pilipino na hirap na nga sa pamasahe at bigas. Sinong hindi matutuwa sa ganon?
At eto pa. Dahil piniga niya ang tambak na nakatenggang pondo, biggest-ever expansion ng PhilHealth benefits ang nangyari mula nang may Universal Health Care. Dialysis unlimited, cancer packages lumobo, heart surgeries tinaasan, kidney transplant halos triple parang biglang naging “usable” ang PhilHealth sa totoong buhay.
Tapos ginagamit pa ng iba para gawing pasabog kontra sa kanya. Pero kung babasahin mo nang buo, ginawa lang ng tao ang trabaho at ginawa niya nang maayos.
Hindi perfect ang sistema, oo. Pero minsan may isang opisyal na hindi umaarte, walang palakpak, pero alam mong may silbi ang bawat pirma. Sa pagkakataong ito? Si Recto ’yun.
Disklaymer: Opinyon-based, pinaiksi, at ginawang madulas para madaling basahin ng masa. Hindi ito legal advice at hindi rin opisyal na pahayag ng alinmang ahensya o tao.