Bagger sa mall, arestado sa pagdekwat ng condom


Pilipino Star Ngayon

January 9, 2026 | 12:00am

MANILA, Philippines — Isang lalaking bagger ng isang mall sa Barangay Mabolo sa Cebu City ang inaresto matapos umano niyang nakawin ang isang pack ng branded na condom na may presyong P387.75 noong Martes, Enero 6.

Ayon sa mga ulat, nagsagawa ng inspeks­yon para sa mga emple­yado at saktong nakita ang pakete ng condom sa loob ng pantalon niya, na hindi naman binayaran sa kahera.

Agad siyang isinumbong sa pulisya at dinakip sa salang pagnanakaw.

Paliwanag ng bagger na naging, curious lamang umano siya kung paano gamitin ang condom dahil hindi pa umano siya nakakagamit nito kahit na kailan. Nasa kustodiya ng mga otoridad ang nasabing bagger.