Ang kapit bahay (1) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

January 14, 2026 | 12:00am

TRENTA’Y OTSO anyos na si Vince pero wala pang asawa. Wala pa siyang balak. Gusto niya magpaka­sawa muna sa pagiging­ binata. Hindi siya tutulad sa ilang kababata niya na maagang nagsipag-asawa at saka naghiwa­lay. Ilang kababata na niya ang hiwalay at ayaw niyang mangyari iyon sa kanya.

Kung magnanais na siyang mag-asawa, gusto­ niya’y may sariling bahay, kotse, at iba pa. Nanini­wala siyang ang pag-aasawa ay dapat pinaplano at hindi kung kailan magustuhan.

Maganda ang kanyang trabaho at malaki ang suweldo kaya ang una niyang pinundar ay lote at saka niya pinatayuan ng bahay. Marami ang nagpayo sa kanya na bakit hindi condo unit ang kunin para wala nang gaanong problema.

Pero ayaw niya sa condo. Mas prefer niya na may sariling lote at bahay na siya ang pumili ng desenyo.

Natupad lahat ang gusto niya. Mag-isa siyang namumuhay sa ipinatayong bahay. May sariling bahay ang mga magulang niya ganundin ang isang kapatid.

Ang katabing bahay niya ay pinauupahan. Bunggalow type ang bahay.

Mula nang tumira si Vince sa kanyang bahay­, nasubaybayan na niya ang mga umupa sa ka­tabing bahay. Mayroong inaabot lang ng isang taon sa pagtira at saka aalis na.

Isang araw, nakita niya na may bagong lipat na naman sa katabing bahay. Maraming gamit ang bi­naba sa truck.

Itutuloy