Ang kapit bahay (49) | Pilipino Star Ngayon


HABANG pinagma­mas­­­dan ni John ang bahay na dating tinirahan ni John, naisip niya kung bakit wala pang ibang nakatira. Maaring mahal ang upa sa bahay kaya hanggang ngayon, wala pang nakatira.

Sabi ni John, twelve thou­sand ang upa niya sa bahay. Baka ginawang kinse mil na ang upa. O baka beinte?

Ang makauupa lang sa bahay ay ‘yung may regular na trabaho. Kung padam­put-dampot lang, hindi ka­kayanin ang upang dose mil. Mabigat sa bulsa. Ang puwede lang umupa ay ang katulad ni John na isang arkitekto. Kaya siguro, payag na payag si Marie na maging kalaguyo.

Maraming pera si John kaya kahit makasisira ng ta­hanan, hindi na binigyang pansin ni Marie. Katwiran din siguro ni Marie, siya ang nila­pitan ni John kaya wala siyang kasalanan.

Hindi kaya alam ni Marie na home wrecker siya. Sinira niya ang pagsasama ni Vince at Teresa. Mabuti na lang at hindi nagkaanak sina John at Marie. Kung nagkataon, sandamakmak ang problema ni John.

Paano kaya natanggap­ ni Marie ang pakikipaghi­walay ni John? Mayroong mga kabit na hindi basta basta ma­­tanggap ang pakiki­pag­hi­­walay. Mayroong nag­­pa­­pakamatay at mayroon namang sinasaksak o binabaril ang lalaking ma­kikipaghiwalay. Sa impi­yerno na lang magsama-sama.

Pero kung may masa­mang­ ginawa si Marie ma­ta­pos ma­­ki­paghiwalay ni John, dapat may binalita ito sa kanya nung nag inuman sila. Pero walang nabanggit si John. O baka ayaw nitong iparinig kay Teresa ang tung­kol sa dating “kabit”. Siguro nahihiya na si John na pag-usapan ang mga bagay na naging dahilan kung bakit nasaktan si Teresa.

LUMIPAS pa ang ilang buwan, nagulat si Vince nang makita isang umaga na mayroong hina­hakot na mga gamit sa  bahay­ na inupahan ni John. Nakita rin niya ang truck na pinagkakargahan ng mga gamit.

Napangiti si John, Mag­­kakaroon na siya ng bagong kabitbahay.

Sana maging maayos­ ang lilipat. Sana walang ma­ging problema. Gusto niyang mag­karoon ng kapitbahay na mabait, malinis at walang number 2.

Itutuloy