Sa kabila ng lahat… Coco, gusto raw ipaopera ang mata ni Katherine


Totoo bang tutulungan ni Coco Martin ang dating karelasyon na si Katherine Luna?

May nabasa lang ako ha. ‘Di ko alam kung true.

Ang bongga naman ng aktor kung totoo dahil sasagutin daw nito ang pagpapaopera ni Katherine na may problema sa kaliwang mata, at pagkatapos ay ipapasok nito sa seryeng Batang Quiapo.

Maaalalang nagkaroon ng kontrobersiya noon nang ituro niyang ama ng anak ang aktor pero nang ipa-DNA ay negatibo ang naging resulta.

Hindi pa raw pumapayag ang dating aktres sa alok na tulong ni Coco dahil buntis pala ito.

Ang nakakaloka pa ay pang-walong anak niya na pala ito.

Ibang klase talaga ang kabaitan ni Coco ‘pag tinutungan niya ang dating actress.

Imagine kung iba ‘yan pagkatapos nung nangyari sa kanila siguradong magtatanim ng galit pero si Coco ay tutulungan pa itong makabangon.

Ang suwerte talaga ni Julia Montes sa karelasyon kaya naman umaapaw ang blessings sa kanila.

Wala rin namang dapat ikaselos si Julia noh. Sa ganda niya ay hindi na siya ipagpapalit ni Coco.

Siguradong hindi niya mamasamain ang pagtulong ng jowa na ginagawa naman niya sa lahat ng nangangailangan ng trabaho sa showbiz.

Sana lang ay magbago na si Katherine habang may tumutulong pa sa kanya ngayon.

Talagang iba magmahal si Coco lalo na sa mga kaibigan niya kaya solid din ang mga ito sa kanya.

Bongga ka, Coco, saludo ako.