CHARLOTTE, N.C. — Nagsalpak si Donovan Mitchell ng 24 points para tulungan ang NBA-leading Cleveland Cavaliers sa 118-117 pag-eskapo sa Hornets.
Nag-ambag si Darius Garland ng 20 points para sa ika-13 sunod na panalo ng Cleveland (53-10) na unang tropang umabante sa playoffs.
Bumanat si Miles Bridges ng 46 points sa pang-siyam na dikit na kamalasan ng Charlotte (14-48).
Mula sa 83-87 agwat sa third quarter ay naghulog ang Hornets ng 21-8 bomba para agawin ang 104-95 abante sa 5:41 minuto ng fourth period.
Bumalikwas ang Cavaliers sa pagratsada ng 25 points at kunin ang 112-110 bentahe sa huling 43 segundo.
Sa Oklahoma City, umiskor si Aaron Wiggins ng 30 points sa 107-89 pagdaig ng Western Conference-leading Thunder (52-11) sa Portland Trail Blazers (28-36).
Sa Miami, tumipa sina Mike Conley, Naz Reid at Donte DiVincenzo ng tig-15 points sa 106-104 paglusot ng Minnesota Timberwolves (36-29) sa Heat (29-33).