Ilang kaibigan namin sa Amerika ang sinubukang sumilip sa ginanap na 2nd edition ng Manila International Film Festival sa Los Angeles, California.
Naloka raw sila na aalug-alog ang sinehang pinag-screening ng Green Bones.
Libre na raw ito, pero hindi pa rin daw tinao.
Ang sinisisi ng mga nakaalam sa nagaganap doon sa MIFF ay nalilito raw ang mga tao dahil sa pabagu-bago raw ang schedule.
Bukod pa riyan, kulang na kulang daw sa promotions kaya hindi raw alam ng karamihan ang screening schedule nito.
Hindi na raw nila naabutan ang iba pang pelikula. Pero parang nakakahiya pa raw dahil nandun ang mga taga-GMA Pictures at ang stars ng pelikula na sina Ruru Madrid at Sofia Pablo para sa question ang answer pagkatapos ng screening.
Halos lahat daw na entries na nag-screening ay one screening lang pala at kokonti raw ang nanonood.
Ang sold-out lang talaga doon ay ang Konsiyerto Para sa Filipino na in-organize naman ng MMDA at MMFF. Walang kinalaman dito ang mga bumubuo sa MIFF.
Sold-out din daw ang Tribute Gala nila na kung saan nag-perform sina Sofronio Vasquez at Deborah Cox.
Hindi lang maidetalye ng aming source ‘yung ibang activities, pero meron din daw pala silang awarding na Audience Award, at lahat daw na nandun na dumalo ay naging nominees.
Kasali ang Song of The Fireflies at ito ang nakakuha ng maraming awards.
Tumaas ang kilay namin doon sa kanilang Monty Manibog Lifetime Achievement Award na iginawad kina Boots Anson Roa-Rodrigo, Ricky Lee, at Mother Lily Monteverde.
Sino si Monty Manibog?!!!
Tatay pala ito ni Liza Manibog-Liew. Ano ang konek niya sa showbiz?
Kaya ang tanong ng karamihan doon, makikipag-collab pa kaya ang Metro Manila Film Festival at MMDA sa mga bumubuo sa MIFF?
Kung panlalait ang inabot nung unang MIFF nila, mas kalait-lait daw itong pangalawa.
Naging fan’s day lang daw ito ng mga organizer nung MIFF na hindi pa rin daw maayos ang sistema.
Melai, kinaaliwan sa family…
Tuwang-tuwa ang mga taga-Family Feud sa masayang episode nila noong Biyernes na kung saan naglaro ang mga PBB host na sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Melai Cantiveros at ang leader nila roon ay si Gabbi Garcia.
Kalaban nila ang mga dating nakasali sa PBB na sina Kazel Kinouchi, Axel Torres at ang kambal na Fourth at Fifth Solomon.
Ang kuwela ng paglalaro nila ang talagang nagpa-viral daw ng episode na ‘yun ay si Melai Cantiveros.
‘Yung part lang daw ni Melai na kapo-post pa lang daw ng ilang clips nito ay mahigit 2M na raw agad ang views.
Kaya inaasahan nilang mataas ang rating nito.
Expected na ring magtre-trending at mataas ang rating ng pilot episode ng PBB Celebrity Collab Edition na magsisimula na sa GMA 7 ngayong gabi.
Inaabangan na kung sino sa mga taga-Sparkle at taga-Star Magic ang papapasukin sa Bahay Ni Kuya.
Ang isa rin sa inaabangan ay ang partisipasyon ng Kapuso hosts na sina Gabbi Garcia at Mavy Legaspi.
“I’ll be part of the PBB Updates. That’s everyday, Mondays to Fridays. We have 3 minutes na umaga at ng hapon.
“I’m also be part of some of the primetime, from Mondays to Fridays, also the weekend shows. I’ll be part of that.
“Siyempre super exciting. Mabigat na task and I’m looking forward to learn from my co-hosts,” pakli ni Gabbi sa nakaraang media conference nito.
Si Mavy naman ang kasama ni Alexa Ilacad sa online nito.
Pero puwedeng papasukin din sila sa Bahay Ni Kuya at pinaghahandaan na raw nila ito.
“I’m also familiar with the tradition na ‘yung mga hosts nga pinapasok sa Bahay ni Kuya. So, ako follower lang ako sa task ni Kuya.
“Ngayon ang task sa akin ni Kuya mag-host, magho-host ho ako. Hindi ko alam kung ano ‘yung following task. So, Kuya ikaw na po ‘yung bahala sa akin,” napapangiting pakli ni Gabbi.
Talagang pinaghandaan daw niya ito kaya nag-training siya ng hosting kay Kuya Boy Abunda.
“I was a student of Tito Boy (Abunda). So, I’ve been talking to him constantly.
“Actually we had a phone call the other night. He’s been telling me to go to him na so we can study na the materials,” sabi pa ni Gabbi.
Si Mavy naman ay posible ring papasukin sa Bahay Ni Kuya, dahil ang usap-usapan, kasali raw sa housemate si Ashley Ortega.
Puwedeng angguluhan diyan at magkaka-gimmick kung merong ili-link kay Ashley sa loob ng PBB house.
Kaya puwede ngang papasukin din si Mavy.
“Siguro sasabihin ko naka-ready na ‘yung luggage ko e.
“Hinihintay ko na lang ‘yung boses ni Kuya na ‘pumasok ka na sa Bahay Ni Kuya. Ngayon pa lang!
“I’m excited, but at the same time nakakaba rin. Pero, sabi naman parang retreat lang. That’s what they say,” sabi ni Mavy.
“Be careful what you wish for,” hirit naman ni Melai Cantiveros.
Ngayong gabi ng 6:15 ang pagsisimula ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab, at mula Lunes hanggang Biyernes ay alas-diyes ng gabi.
Mapapanood din ito sa Kapamilya online channel at TFC