Robi, ibang atake ang ginawa sa PGT


Mapapanood na ngayong buwan ang pinakabagong season ng Pilipinas Got Talent. Sina Melai Cantiveros at Robi Domingo ang magiging hosts ng PGT ngayon. Ayon kay Robi ay ibang atake ang kanilang gagawin ni Melai ngayong season 7. “Ibang atake ginawa namin ni Melai. At the same time, iba naman ‘yung dynamics ng ating mga judges,” nakangiting pahayag ni Robi.

Para kay Robi ay talagang kaabang-abang ang pagbabalik ng naturang reality talent search dahil na rin sa mga bagong mga hurado. Si Federico M. Garcia ang bukod ta­nging orihinal na hurado ng programa. Makakasama ni FMG ngayon sina Donny Pangilinan, Eugene Domingo, at Kathryn Bernardo. “Grabe ‘yung dynamics ng judges ngayon. It’s different. What we’re offering for PGT is a new kind of flavor. Siyempre the iconic judges of Pilipinas Got Talent and also the iconic duo of PGT will be there,” pagbabahagi ng TV host.

Malaki rin umano ang kaibahan ng mga contestants ngayon ng PGT kumpara sa  naunang anim na seasons. “Gusto kong sabihin din na ang ganda ng line-up of acts na mapapanood ninyo na mapapa-wow, ‘May ganyan pala sa Pilipinas.’ So, yeah, ang daming kailangan at dapat pakaabangan sa ‘Pilipinas Got Talent’,” pagtatapos niya.

Buboy at Faith, may inamin sa kanilang nakaraan

Mayroong ibinahagi sina Buboy Villar at Faith da Silva tungkol sa kanilang nakaraan. Mga bata pa lamang noon ay nagkakasama na umano ang dalawa sa mga trabaho. “Sa lahat ng mga artista na pumorma sa akin, meron kasi akong isang hinintay talaga na medyo matagal. Hinihintay ko lang siya na magtanong. Kasi noong bata pa lang kami nito ni Buboy, hindi ko talaga alam kung natatandaan niya, magkaibigan na kami. Siguro mga 7 o 8 years old. Tapos merong mga artista na parang pinagti-trip-an kami. Tapos sinabi nila sa akin na i-kiss ko raw si Buboy (sa pisngi), eh 8 years old pa lang kami. Kiniss ko siya tapos kilig na kilig talaga ako, grabe,” pagtatapat ni Faith sa vodcast na Your Honor.

“Happy na ako para sa kanya. Dumating ‘yung point na even like ‘yung mga ibang tao, parang tinatanong ako na, ‘Talaga ba? Akala ko kasi parang tropa-tropa lang kayo. More than anything gusto naming protektahan ‘yung friendhip. Kasi ang lalim na ng friendship,” dagdag pa ng aktres

Nagbigay naman ng reaksyon si Buboy sa naging pag-amin ng dalaga. “Alam n’yo naman na honest akong tao, di ba? Kung ano kami ni Faith, kung ano talaga ako sa kanya noon, gustung-gusto ko talaga si Faith. Sa sobrang gusto ko si Faith, napangunahan lang talaga ako ng kaba. Siguro question ko din ‘yung sarili ko, na parang, ‘Sasapat ba ako sa isang Faith da Silva?’ Kaya ngayon mas pinili ko na suportahan kita kahit ano man ang decision mo sa buhay. Mas gusto ko na nandito lang ako para sa ‘yo. Happy ako sa kung anong meron tayo ngayon,” nakangiting pag-amin ni Buboy. — Reports from JCC