John Lloyd, ayaw nang tumanggap ng trabaho!


Miles wala na rin sa Crown! Lumayas na kila Maja

““Si Lloydie po, nung buntis ako, sabi niya, ‘Maj, hindi naman ako nagtratrabaho.’ So nag-separate ways kami with respect naman. Nade-decline rin po ‘yung mga magagandang projects kasi focused din siya kay Elias (anak nila ni Ellen Adarna). Hindi rin naman active now din po,” sagot ni Maja Salvador matapos niyang kumpirmahin na wala na nga ito sa kanilang management team, Crown Artist Management.

At nang tanungin kung namimili ba ang actor ng trabaho kaya ganun?

“Hindi naman kasi active now din po so parang siya rin sabi niya, parang ‘di ba, which is tama naman,” parang safe na sagot pa ni Maja sa media conference ng renewal of partnership nila ni Ms. Rei Tan ng Beautederm Corporation last Wednesday.

Maging si Miles Ocampo ay wala na rin sa Crown Artist Management.

Lilipat si Miles sa Triple A Management group na pinamumunuan nila Mike Tuviera.

Si Jasmine Curtis kaya? Halos sabay-sabay sila nina John Lloyd at Miles na ipinakilalang talent ng management team nila Maja kasama ang kanyang mister na si Rambo Nuñez.

Anyway, kahit ang offer daw na endorsement ng Beautederm kay John Lloyd ay hindi na ito nagkakainteres.

In other words ayaw na talaga ng actor na magtrabaho.

Base nga sa post niya kahapon ay nagpapaka-ordinaryo na lang ito.

Samantala, may endorsement na pala ang eight-month-old na anak ng actress.

Niluwal ni Maja ang kanilang unang anak, si Maria, sa Canada noong Mayo 31, 2024, pagkatapos ng matinding 30 oras na labor. Ngayon babalik siya sa pag-arte at pagho-host.

Noong Marso, pumirma siya ng kontrata sa MQuest Ventures, TV5, at Cignal para sa ilang proyekto.

Pero nilinaw niyang project contract ‘yun at hindi management contract.

Dadalhin ni Maja sa set ang anak kapag nagsimula na raw siyang magtrabaho sa April.

Nagpapasalamat din daw sila ni Rambo sa mga endorsement ng kanyang walong buwang gulang na anak na babae.

“Yes, meron na siyang mga endorsements, and we are thankful to the brands who trust her even if they haven’t seen her in full. Legs pa lang or likod ang ipinapakita ko. Puro back shots. Thankful kami because may mga new brands which we consider na bagong pamilya.”

Anyway, puring-puri nga si Maja ni Rhea Tan, the founder of Beautederm, dahil sa ugali nito.

“Maja’s pure heart is my favorite thing about her. I consider myself fortunate to have made genuine friends in the entertainment industry. Outside of work, we discuss her daughter, her family, and everything. I know how nice she is. Therefore, she deserves a good family life, and I believe she is an encouragement to any woman who wishes to start a family,” sabi Rhea.