Pangmalakasang muli ang opening number ng Eat Bulaga kahapon dahil sa live remote telecast nila ng segment na Sugod Campus, huh!
Sa La Union ang school na sinugod ng EB – ang Don Mariano Marcos State University!
Enggrande ang opening dahil ang daming student performers na sumasayaw hindi lang sa loob ng gym kundi maging sa labas ng university grounds!
Walang dull moments, walang nganga at nakakaaliw mula sa simula hanggang sa matapos ang opening number na halos 30 minutes yata, huh!
Kumpleto ang Dabarkads except Tito Sotto na kahapon pa lang eh pumunta na ang iba para sa isang dance contest na ginawa sa auditorium at kahapon nga eh may dance group na winner ng P30K, huh!
Isang maliit na production lang sa TV ang TVJ Productions pero sa mga remote coverage eh daig ang may mga network, huh!
Of course, congratulations sa lahat ng staff and crew na naging bahagi ng unforgettable opening number at lalung-lalo na kay direk Poochie Rivera na pinamahalaan ang lahat!
Congratulations, Eat Bulaga! Nag-iisa lang kayong show na kayang gumawa ng ganyang kalaking opening number!
