Eala sasalang sa mga bigating events


MANILA, Philippines —  Matapos ang ma­ta­gum­pay na ratsada sa Mia­­mi Open ay balik-ensa­yo kaagad si Alex Eala upang paghandaan ang mas mabibigat na labang sasagupin nito.

Walang duda na isa na si Eala sa mga aaba­ngan sa susunod na mga torneong lalahukan nito lalo pa’t umangat na ito sa world rankings.

Ilalabas ngayong araw ang bagong WTA world rankings kung saan ooku­pahan ni Eala ang No. 75 spot.

Ito ang magdadala sa kaniya sa main draw ng ma­lalaking international com­petitions kabilang na ang mga Grand Slam events kagaya ng French Open, Wimbledon at US Open.

Kaya naman handa na si Eala na harapin ang lahat upang muling ma­kapagbigay ng karangalan sa bansa.

“I recognize that these two weeks have opened the door to so many oppor­tunities for me, but along with those opportunities come a whole new set of obstacles I will have to na­vigate through. The real work starts now,” ani Eala.

Malaki ang pasasalamat ni Eala sa mga taong su­musuporta sa kaniya upang makaabot sa semifinals ng Miami Open.

Tatlong Grand Slam champions ang tinalo nito kabilang na sina reigning Australian Open champion Madison Keys ng Amerika at five-time Grand Slam cham­pion Iga Swiatek ng Po­land.