Miguel, talent manager / handler na ni Mommy Grace


Hindi raw inakala ni Miguel Tanfelix na sisikat ang inang si Grace Tanfelix bilang isang content creator. Sumikat si Mommy Grace dahil sa pagluluto ng iba’t ibang putahe na ina-upload sa kanyang media accounts. “Ako, hindi ko talaga in-expect, Tito Boy. Kasi dati no’ng sinimulan po namin ng pandemic, parang wala lang, parang katuwaan lang. Tapos nag-hit ‘yung kaldereta and then ‘yung pinaka-recent ‘yung naging trending ‘yung ‘Okay na ‘to!’ Do’n talaga parang nag-sky rocket. Minsan nga si mommy na hinahanap, di na ako eh. Idea po ni mommy magluto-luto tapos may skit kami dati,” nakangiting bungad sa amin ni Miguel sa Fast Talk with Boy Abunda.

Madalas ding nakakasama ang Kapuso actor sa mga content ni Mommy Grace. May mga pagkakataon namang  nahihiyang magpakita si Miguel lalo pa’t bagong gising ang binata. “Nahihiya po akong magpakita sa kamera kasi kunyari nakapambahay, minsan kagigising ko lang, kukunan ako ni mommy, medyo naiilang ako. Pero kunyari kapag na-schedule namin, ‘Oh! Gawa tayo ng content ngayon dito, do’n (ako nagpapakuha ng video),” kwento ng binata.

Noong una raw ay nakaramdam nang takot si Miguel sa posibleng maranasan ng ina dahil pinasok ang paggawa ng video blogs. Posible kasing makaranas ng online bashing mula sa netizens si Mommy Grace. “No’ng una may hesitations. Kasi parang gusto ko hiwalay palagi ‘yung career sa personal life. Pero kung ‘yon naman nagpapasaya kay mommy and nakakatulong din sa career niya, then why not? Ako po minsan ‘yung handler niya, kasi may mga kumukontak po sa akin. Tapos ako ‘yung middle man, may mga inquiry,” pagbabahagi ng aktor.

Bianca, nasaksihan ang huling hininga ng mga magulang noon

Bata pa lamang noon si Bianca Umali nang maulila sa mga magulang. Limang taong gulang pa lamang ang aktres nang pumanaw ang ina dahil sa breast cancer.

Nasaksihan ni Bianca ang mga nangyari habang naghihingalo sa ospital ang ina noon. “I was in the hospital room when she had her last breath. And I have flashes of memories with my last moments sa kanya. Hindi na siya din gaanong nakakasalita because my mom was so weak because of chemo. She couldn’t stand up to pee on her own anymore. She couldn’t even talk,” emosyonal na paglalahad ni Bianca sa podcast ni Dani Barretto.

Sampung taong gulang naman noon si Bianca nang namatay ang ama. Mismong kaarawan pa ng namayapang ina nang atakehin sa puso ang ama ng aktres. “We were bringing him out, isasakay na namin siya sa car. Pagsakay ng dad ko sa front seat, nasakay na niya ‘yung left part ng body niya, nag-freeze na siya. Hindi na niya naangat ‘yung kabila. Then he started having his stroke na. He couldn’t breathe anymore. We rushed him to the hospital, and pagdating namin, like isang u-turn na lang, he peed na. ‘Yon na ‘yung sign na the person has passed away na. He was dead on arrival. But the whole time na we were on the way to the hospital, it was so clear to me that he was looking at me and he was crying but he couldn’t breathe,” pagbabalik-tanaw ng dalaga.

Ayon kay Bianca ay naging matatag siya dahil na rin sa mga naranasan noong kanyang kabataan. “Hindi ko pa nare-realize ‘yung gravity of the situation noong time na ‘yon na wala na sila parehas. Everything was so fast. To be in the situation that I am in, I don’t see it sad anymore. I see it more as a strength now. God wouldn’t put me here if he knows that I couldn’t,” makahulugang pahayag ng Kapuso actress. — Reports from JCC