Paul, hinahanapan ng paliwanag sa breakup nila ni Mikee


Naka-off ang comment box ng Instagram ni Paul Salas, kaya hindi siya makulit ng fans na matanong kung bakit sila nag-break ni Mikee Quintos.

Ang tanging nakuhang comment kay Paul ay Bible verse galing sa @thereal_alphamotivation na ISAIAH 43:2 “When you feel like you are drowning in an ocean of stress, remember your Sa­viour walks on water.”

Side pa lang ni Mikee ang narinig at inamin lang na break na sila ni Paul nang mag-guest ito sa Fast Talk with Boy Abunda.

Walang sinabing rason si Mikee at sa sagot nitong dapat si Paul na ang magsabi ng cause ng kanilang breakup, parang tama ang obserbasyon ng nakapanood sa kanyang interview na ang ex-boyfriend ang nakipag-break sa kanya.

May binanggit pa kasi si Mikee na sana, maging worth it sa kanilang dalawa, lalo na kay Paul ang desisyon nila na mag-break. Parang may kinalaman ang kanilang career sa desisyon na tapusin ang four years nilang relasyon na nagsimula noong 2022, pandemic time.

Ang maganda lang, pareho silang busy sa trabaho, nababawasan kahit paano ang lungkot na kanilang nadarama.

Busy si Mikee sa Slay at thankful sa mga kasama sa suportang ibinibigay sa kanya. May Lutong Bahay pa ito at may mga kaibigan na umaalalay sa kanya.

Kasama naman si Paul sa Lolong at marami siyang out of town shows.

Kris, pinayuhang magpa-albularyo!

Dahil sa magkasunod na post ni Kris Aquino na nagbigay ng update sa kanyang medical condition, marami na naman ang nag-suggest sa kanya na subukan ang herbal medicines. Try raw niya ang traditional medicine at muli, ang suhestiyon na subukan niyang magpagamot sa albularyo dahil wala naman daw mawawala kung susubukan niya.

May mga suhestiyon pa nga kung sinong albularyo ang dapat niyang lapitan at sana raw, may makapag-advise sa kanya tungkol dito.

Matagal na naming nababasa ang suggestion na ito at may nag-suggest din na i-consider niya ang Traditional Chinese Medicine. Ang isang fan niya, ang suggestion, sa Japan siya magpagamot at may nabanggit pang functional doctor o naturopath.

Lahat ng ito, ang ibig sabihin, marami ang nagmamahal sa kanya at gusto nating lahat na gumaling na siya. Ang maganda, hindi siya sumusuko, lumalabas at ang hinihingi sa atin ay ang patuloy na dasal sa kanyang paggaling.

Ex ni Ashley na pulitiko, nagpapakita na rin ng katawan!

Pinuna ng netizens ang caption ni Lucena Mayor Mark Alcala sa Instagram post nito na “Reserving my peace.” Dapat daw at mas tama ang “preserving” kesa ginamit niyang word.

But as of today, hindi pa ini-edit ni Mayor Mark ang kanyang post, ibig sabihin, naniniwala siyang tama ang “reserving” kesa sa ini-insist ng netizens na “preserving.” Baka nga naman may ibang ibig sabihin si mayor, kaya hayaan na siya.

Ang iba naman, ang topless photo ng mayor ang pinuna dahil bakit daw nag-post siya ng ganoong larawan.

Again, IG ni mayor ‘yun, his IG his rule. Bakit nga kayo nakikialam.

May nag-akusa namang feeling showbiz si Mayor Mark dahil sa mga naging ex na may taga-showbiz gaya ni Ashley Ortega at may volleyball player na si Mika Reyes.