Carla, may update sa pagha-harvest ng kanyang eggs!


MANILA, Philippines — May update si Carla Abellana sa tinawag niyang Egg Freezing Journey sa latest post niya sa Instagram. May pinost pa siyang photo habang kausap niya ang doctor at ginagawa ang proseso.

“After over a month of daily injections, countless other medications, multiple trips to @conceiveivfmanila, several blood tests, so much weight gain, and a whole lot of waiting, the day for egg harves­ting and freezing finally came!

“I can’t even describe the mix of excitement and gratitude I felt. FINALLY! It certainly tested my patience and faith, and while there was bit of fear and worry, Doctors Eds Ong-Jao and the nurses at Conceive IVF Manila in QC were so reassuring and comforting every step of the way.

I’m beyond thankful for my family and best friends’ suport too as I pass this next step in my journey. THANK YOU, Lord!”

Sa overlay text sa kanyang post, sabi ni Carla, “It’s been a couple of weeks, but we won’t stop trying to get the most of everything.”

“After over a month, it’s finally harvest time,” at “Meds and daily injections are starting to work.”

Harvest time pa lang ang nabanggit niya, pero marami na ang nagko-congratulate sa kanya.

Marami rin ang masaya para sa kanya at may mga na-inspire at gagayahin siya.

May naglu-look forward na sa babies o mga baby niya na galing sa egg freezing journey.

Sigurado raw na magaganda o gwapo ang babies ng aktres.

Samantala, sa April 16, 2025 na ang simula ng streaming ng Widows’ War nina Carla at Bea Alonzo sa Netflix sa mga hindi nakapanood nang umere ang series sa GMA 7.

Sharon, may sagot na sa kanyang pagpayat

Idinaan ni Sharon Cuneta sa biro ang sagot sa mga nagtatanong kung bakit siya pumayat? Simple lang daw ang sagot sa mga nagtatanong at ito ay “Opposite ng paano ako tumaba” at sinundan ng laughing emojis.

Ang sumunod na tanong ay kung paano siya tumaba na hindi pa niya sinasagot. Kaya ang followers na niya ang sumagot na too much food.

May nagbiro pa na hindi na siguro siya kumakain ng lechon kaya rin siya pumayat. Aminado itong favorite niya ang lechon, pero ngayon, tikim-tikim na lang daw siya.

May mga makukulit pa rin at ini-insist na nag-take siya ng Ozempic na hindi na niya sinagot dahil nasagot na in her earlier post. Itinanggi nitong nag-take siya noon at maayos ang naging paliwanag.

This Friday, first time na dadalo si Sharon sa ABS-CBN Ball na hindi niya sinisipot dahil mataba siya. Gown na gawa ng fashion designer na si Jot Losa ang suot ni Mega dahil nag-comment ito a few days ago na tapos na ang fitting nito. May mga pakiusap sa designer na “Make her at her best,” “Make her fabulous,” at “Make her The Real Sharon Cuneta Look” na sigurado namang gagawin nito.

Barbie at Ivana, may second bonding

Muling nagkita sina Barbie Forteza at Ivana Alawi and this time, hindi sila nag-ukay-ukay o namalengke, nagpaka-social muna ang dalawa at sila ay nag-pilates.

Iba na rin ang caption ng post ng dalawa, hindi na lang pang-magkakilala kundi pang-magkaibigan na.

Sabi ni Ivana, “I love you @barbaraforteza” na sinagot ni Barbie ng “Lovely seeing you @ivanaalawi.”

Ikinatuwa ito ng fans ng dalawa at papunta na raw sila sa pagiging beshie.

Anyway, umaasa ang fans na magtagumpay si Barbie na yayain si Ivana na sumama sa fun run sa May 11 na organized ng Mowelfund at Myriad Corporation ni Alden Richards. Maganda raw kung sabay silang tatakbo for a cause.

Kaya lang, nabanggit ni Ivana sa mediacon na parang ayaw niyang tumakbo dahil mainit.

Hahaha!