Masayang inanunsyo ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang mga pararangalan para sa 2025 Parangal ng Sining bilang bahagi ng selebrasyon ng husay at inobasyon sa pelikulang Pilipino.
Kikilalanin ngayong taon ang mga living legend at pioneer na patuloy na humuhubog sa Philippine Cinema.
Pangungunahan ni Iza Calzado ang awards ceremony na gaganapin sa April April 11, 2025, 5:00 p.m. sa Seda Vertis North, Quezon City.
Ang temang Ang Mga Higante ng Kasaysayan ng Ating Pelikula: Tradisyon at Ebolusyon, ay magbibigay-parangal sa ebolusyon ng pelikulang Pilipino, na pagdiriwang sa mga legend na nagbigay-daan at mga innovator na tumutulak sa hangganan.
Kabilang sa tatanggap ng Lifetime Achievement Award ay sina Joseph Ejercito Estrada, Charo Santos-Concio, Laurice Guillen at Lav Diaz.
Habang sa Annual Achievement Award ay Iti Mapukpukaw (The Missing) – directed by Carl Joseph Papa, Sunshine – directed by Antoinette Jadaone at Judy Ann Santos.
Dagdag pa rito, isang hanay ng Tribute Screenings ay gaganapin sa Ayala Malls Vertis North sa April 10 at 12, na magpapakita sa iconic works ng mga gagantimpalaan.
Kabilang sa mga itatampok na pelikula ay Itim (1976) – sa direksyon ni Mike De Leon, pinagbibidahan ni Charo Santos-Concio, Tanging Yaman (2000) – dinirehe ni Laurice Guillen, Ang Babaeng Humayo (2016) – sa dinirehe ni Lav Diaz, Sa Kuko ng Agila (1989) – dinirehe ni Augusto Buenaventura, at pinagbibidahan ni Joseph Estrada.
Umaasa naman ang FDCP sa mga second-quarter initiative na tututok sa pag-angat ng pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng film exhibitions, international collaborations, and educational programs kabilang ang Behind the Reel — YouTube Series, World-Class Cinema Exhibitions, Film Education and Development, Additional Workshops and Programs at Philippine Film Industry Roadmap (July).
Patuloy naman ang FDCP sa pagpapalakas ng international ties at pag-promote ng pelikulang Pilipino sa buong mundo. Kabilang sa kanilang mga pangunahing gawain sa Q2 ay ang Far East Film Festival (April 24 — May 2), Cannes Film Festival (May) at Annecy International Animation Film Festival (June).
