Kontrobersyal actor, mala-tae ng pusa ang amoy ng hininga!


Pinag-uusapan pala si kontrobersyal aktor ng mga katrabaho nito tungkol sa kanyang hygiene.

Minsan ay dumarating daw ito sa set na parang hindi raw naliligo.

Hindi raw kaya naaamoy ni kontrobersyal aktor ang sarili?

Sabi pa ng isang hu­ling nakatrabaho nito ay parang dumi ng pusa raw ang naaamoy niya sa bibig ni kontrobersyal aktor.

Kaya minsan ay iniiwasan na raw nitong makatabi.

Hindi ko naman naaamoy itong si kontrobersyal aktor ‘pag nai-interview namin. Pero nakikita sa kanya lately na parang hindi na nag-aayos.

Bakit kaya? Hindi ba siya inaasikaso ng asawa niya?

Kathryn, pilit iniiwas kay Daniel?!

Totoo kayang pilit na iniiwas daw si Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla?

Malaki naman kasi ang Ballroom ng Solaire North at puwede talagang hindi magkita-kita roon ang mga hindi gustong magkita, lalo na ang mga mag-ex.

Pero itong sa KathNiel ay talagang ginawan daw ng paraan ng team ni Kathryn na iiwas sa actor.

Sabi ng aming reliable source, nakita naman daw nilang bumati si Kathryn kay Karla Estrada na mas maagang dumating doon.

Nagkuwento rin si Bernard Cloma na nakita raw niyang nagkabati sina Kathryn at Daniel.

Meron daw siyang litrato, pero hindi naman niya ipinorward sa amin, hahanapin pa raw niya.

Magkasunod lang na dumating sina Kathryn at Daniel. Kasama ni Daniel ang co-stars niya sa Incognito na sina Richard Gutierrez at Ian Veneracion.

Ilang sandali lang ay dumating naman si Kathryn na mag-isa lang.

Dagdag intriga pa ‘yung pagdating doon ni Andrea Brillantes na ang lakas ng dating ng suot niyang white suit.

At sandali siyang nakatsikahan ni Ogie Diaz at inamin niyang meron siyang ka-exclusively dating.

Habang trending itong #ABSCBNBall2025 ay pinag-uusapan din ilang netizens na baka si Andrea raw ang susunod na house guest sa Bahay Ni Kuya.

Meron ding humuhulang parang si Lovi Poe raw o baka raw si Jane de Leon.

Kapansin-pansin namang hindi ganun karami ang mga Kapuso star na dumalo sa ABS-CBN Ball. Wala ‘yung mga A listers na Kapuso stars kagaya nina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards at kahit sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

In fairness kay Ashley Ortega, star na ang awrahan nito, at ang dami nang tumatawag sa kanyang fans.

Kahit ang escort niyang si Mavy Legaspi ay ang dami na ring bumabati na fans.

Lalo pang gumanda si Ashley sa ayos niya na ang elegante ng dating.

Nakadagdag siguro ng confidence ang pagdami ng fans niya magmula nang lumabas sa Bahay Ni Kuya.

Sa totoo lang, malaki ang nagawa ng PBB Celebrity Collab sa ilang Kapuso stars, pati na rin sa mga Kapa­milya star na kasali roon.

May ilang nag-cover doon sa ABS-CBN Ball na nagtanong sa akin kung mag-aartista ba si Cassandra Ynares na dumalo rin sa naturang event.

Ang ganda ng 17-year-old na anak nina Mayor Jun-Jun at Andeng Ynares na talagang blooming sa suot nitong pink gown na gawa ni Paul Cabral.

Nag-aaral pa naman si Cassandra, pero nananalaytay rin sa kanya ang dugong artista, kaya hindi malayong pasukin din niya ang showbiz.

Bukod sa pag-aaral ay naka-focus siya sa kanyang advocacy on youth development and welfare lalo na sa mental health ng mga kabataan.