Parang may sumpa talaga ang ABS-CBN Ball.
Walang taon na walang intriga at kontrobersiya sa mga dumalong artista.
Ito at iniintrigang nagsuntukan diumano sina Daniel Padilla at Kyle Echarri dahil daw kay Kathryn Bernardo.
In a nutshell, gusto raw sanang lumapit ni Daniel kay Kathryn pero nakabakod si Kyle na closed kay Kathryn at nung nalalasing na diumano ay panay na ang lapit nito kay Kathryn na ikinainis diumano ni Daniel. At dun daw naganap ang umbagan.
Pero sa totoo lang, iba ang mga lumalabas na video.
Meron pa ngang magka-holding hands sina Kathryn at Kyle habang lumalabas kasama si Dolly de Leon na nakatrabaho ni Kathryn sa pelikulang A Very Good Girl.
Habang ang video naman ni Daniel na kumalat ay nag-pictorial siya para sa Aivee Clinic na naka-hotel slippers na.
Wala actually na makapaglabas ng kahit anong video ng sinasabing umbagan.
Or kung meron man, siguradong itatanggi nila ito.
Pero ang isang sure, unforgetable para kay Julia ang ABS-CBN Ball 2025 dahil sa paglakad nila ng sabay ni Coco Martin sa Red Carpet. Ayon sa post ni Julia “the best part? Walking in with you. To the man I love, you make every event unforgettable. Dressed to the nines with the one who makes my heart shine. #brightertogether.”
