Lady Knights sumosyo sa top spot


MANILA, Philippines —  Nagpasiklab si Gia Marcel Maquilang matapos ak­bayan ang Letran sa 28-26, 25-18, 24-26, 25-17 panalo sa San Sebastian College-Recoletos sa NCAA Season 100 wo­men’s volleyball tournament kahapon sa SSC-R Gym.

Pumalo si Maquilang ng 20 points para sa 7-2 karta ng Lady Knights na na­kisiksik sa No. 1 spot.

Kasosyo nila ang defen­ding champion St. Benilde Lady Blazers, Perpetual Help Lady Altas at Mapua Lady Cardinals.

Bumira rin sina Sheena Vanessa Sarie at Marie Judiel Nitura ng 16 at 13 mar­kers, ayon sa pagkaka­sunod.

Nanatili ang Lady Stags sa pang-anim na puwesto pasan ang 5-4 baraha.

Namuno sa opensa ng Baste si Katherine Santos na may 18 markers at nag-ambag sina Kristine Joy Dio­nisio, Princess Sofia Ra­mos at Juna May Gonzales ng 10, 9 at 7 markers, ayon sa pagkakahilera.

Hindi rin naging madali para sa Lady Knights na sibatin ang Lady Stags dahil napalaban sila nang todo sa sets 1 at 3 kung saan ay dikit lang nagkatalo.