Nitura aasahan ng Lady Falcons kontra sa Lady Tamaraws


MANILA, Philippines — Mangangailangan ulit ang Adamson University ng nagliliyab na laro ni su­per rookie Shaina Marie N­itura para ma­dagit ang Far Eastern University sa se­cond round ng UAAP Season 87 women’s volleyball tournament sa Smart Ara­neta Coliseum.

Magpapaluan ang Lady Falcons at Lady Tamaraws ngayong alas-3 ng hapon ma­tapos ng bakbakan ng Uni­versity of Sto. Tomas Tigresses at University of the East Lady Warriors sa ala-1 ng hapon.

Tangan ang 4-7 karta, nasa sixth place ng team standings ang Adamson at muling kakapitan si Nitura para masungkit ang panalo at mapaganda ang karta.

Sumiklab si Nitura sa ka­nilang huling laro nang ukitin ang 32 points mula sa 30 attacks at dalawang blocks upang gulatin ang de­fending champion Natio­nal University, 25-23, 15-25, 28-26, 25-22.

Kailangan din ng tulong si Nitura sa iba pang Lady Falcons dahil tigasin ang Lady Tamaraws na may 8-4 baraha at nakapuwesto sa No. 3.

Samantala, pakay ng UST na palakasin ang kapit sa magic four, kasalukuyan nasa pang-apat sila hawak ang 7-4, may tatlong laro na lang ang nalalabi sa kanila kaya mahalaga ang bawat laban.