Pasig River pagagandahin, pinagpaplanuhan ang canal tour


My Love… ng KimPau showing pa rin

Showing pa hanggang sa kasalukuyan ang pelikulang My Love Will Make You Disappear nina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Almost three weeks na ito sa mga sinehan at ang dami pa ring screening sa abroad. Two days ago ay nasa Dubai ang KimPau.

At bukod sa maraming halikan nila, nai-promote rin nila sa MLWMYD ang Jones Bridge kung saan maganda na ulit at bonggang pasyalan.

Na ayon sa Honorary President ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) na pag-aari ang Lamoiyan Corporation (maker of Hapee toothpaste) na si Dr. Cecilio Pedro, mas marami pang lugar ang tinutulungan nilang ibalik ang ganda para mapag-shootingan din ng iba pang pelikulang Tagalog upang palakasin pa lalo ang ating turismo.

“From new bridge to Jones Bridge to MacArthur Bridge, tatlong bridges iyon. We will combine these three bridges to make it into a clean space for tourism,” pahayag ng negosyante kamakailan sa ginanap na Pandesal Forum sa Kamuning Bakery.

Nabanggit pa ni Dr. Pedro na kabilang ito sa mga project ng (FFCCCII) kaugnay ng 50th Anniversary ng Philippines-China Diplomatic Relations.

Sa June 9 raw ay uumpisahan nang gawin ang Jones Bridge hanggang Chinatown. “Nauna na ‘yung ginawa ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa Pasig River Esplanade sa Intramuros. At ang second part is to beautify the Jones Bridge,” pagmamalaki ni Dr. Cecilio.

“We will install lots of laser lights so that this coming June 9 we will start to showcase, we will show everyone that we can make Jones Bridge truly beautiful. And we can attract tourists to Jones Bridge and visit Chinatown along the way.

“We will also install lights in Chinatown that’s part two. Hopefully tuluy-tuloy ang project including the Intramuros. So all of this will be done in celebration of our 50th Anniversary Philippine China Diplomatic Relations,” pahayag pa ni Dr. Pedro na former President of FFCCCII.

Bukod dito, kasali rin sa proyekto nila ang paglilinis ng Pasig River.

“We will clean the Pasig River. Magkakaroon na tayo ng canal tour. Hindi ba sa ibang bansa mayroon niyan? May tour, dinner cruise, kailangan pagandahin, linisin ang Pasig River, ‘yan ang next project pa namin.

Exciting.

Hintayin natin na luminis ang Pasig River para maging tulad sa Bangkok – na pwede kang mag-dinner habang nasa river cruise. O Huangpu River cruise sa Shanghai, China. O kaya naman ay Seine River cruise sa France.