PBB celebrity collab, mas malakas sa online


Hindi na talaga maitatangging ang laki ng nagawa ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab sa housemates na hindi pa talaga ganun kakilala.

Classic nga ang statement ni Emilio Daez na nadagdagan na raw ang 10 fans niya.

Lalo na si Michael Sager na nakilala sa tambalan nila ni Jillian Ward sa My Ilonggo Girl pero mas lalo pang nadagdagan ang fans.

Nitong mga huling episode ng PBB Celebrity Collab ay na-focus kina AZ Martinez at Shuvee Etrata dahil sa natanggap nilang sulat mula sa kanilang mahal sa buhay.

Ang daming followers ng PBB ang nag-react sa sulat ng boyfriend ni AZ na si Larkin Castor.

Ayan! Nakikilala na rin ngayon si Larkin at si AZ na pataas nang pataas ang popularidad.

May ilang follo­wers ni AZ ang galit kay Larkin dahil sa tingin nila ay hadlang ito sa pag-alagwa ng career ng aktres dahil tutol ito noon sa pagpasok niya sa Bahay ni Kuya. Nang mabasa ni AZ ang sulat ni Larkin sa kanya, bumalik ang pagmamahal nito at ang akala niyang wala sila ay napag-isip-isip niyang sila pa rin.

Pero naglabasan sa X ang mga chat kay Larkin na hindi ito supportive sa journey nito sa PBB.

Ewan ko kung legit ‘yung mga conversation na ipino-post, sinasabihan diumano itong si Larkin na huwag naman daw sana niyang i-down si AZ.

Pero sinasabi raw nitong Larkin na, “If she ma­nages to bring me down more, I will bring her down with me.”

Pero iba naman ang nilalaman ng sulat ni Larkin na binasa ni AZ, kaya iyak ito nang iyak na parang bumalik ang dati niyang pagmamahal sa boyfriend.

Ibang-iba siya sa mga sinasabi niya sa ipino-post ng ilang netizens sa X.

Ang dami tuloy sumusubaybay sa love story ng dalawa, na tiyak hindi ‘yan interesting kung wala si AZ sa Bahay ni Kuya.

Ang dami ring natuwa at talagang na-focus din ang buong episode nung Miyerkules kay Shuvee Etrata dahil sa hayagang pagkakilig nito kay Donny Pangilinan na house­guest nila ngayon.

Sabi ni Shuvee, noon pa man ay sinasabi niyang si Donny talaga ang crush niya dahil sa Kapamilya actor niya nakikita ang perfect na tall, dark and handsome.

Lalo pa siyang minahal ng followers nito nang mabasa nito ang sulat ng Daddy niyang nagso-sorry sa kanya, dahil sa hindi raw sila natustusan na magkapatid, lalo na si Shuvee.

Iyak ito nang iyak na kausap si Kuya dahil sa napagaan daw ang sama ng loob niya sa kanyang ama, nang mabasa ang sulat nito.

Hindi gaanong pumapalo ang ratings ng PBB Celebrity Collab sa free TV, pero malakas ito at madalas na nagte-trending online.

Jomari, ayaw pag-usapan ang ‘ari’ video ni Mark

Buhay na buhay pa rin ang Guwapings na sina Jomari Yllana, Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso kapag nakakausap ang isa sa kanila.

Hinihintay pa rin kasi ang reunion nila sa isang movie project pero laging hindi natutuloy.

Maganda raw sana kung mag-swak ang kanilang schedule, sabi ni Jomari nang humarap ito sa media conference ng Motorsport Carnivale na magsisimula na sa Linggo, May 4, na gaganapin sa Okada Manila.

Sabi ni Jomari, huling nagkita sila ni Mark Anthony sa isang event : “Nung event namin nung 2023, nagkausap kami ni Mark. I think I saw Mark last… parang ASAP na event, or… one of Mr. M’s birthdays.

“Okay naman kami. Ganyan naman kami lagi. Bihirang magkita pero ang napapag-usapan pa rin, panahon namin,” napangiting pakli ni Jomari.

Natawa siya nang sinundan ng tanong kung napag-usapan ba nila ni Mark ang video scandal na kinasangkutan nito.

“Baka i-quote ako! Siyempre, anlaki ng reaction ko. Sabi ko, ‘Anong nangyari diyan? Hindi ka naman ganyan kalaki nu’n!’ Joke! Maku-quote ako, ‘di ba?

“Nagulat ako. ‘Anong nangyari?!!!’ Ganyan naman kami, alaga ni Douglas (Quijano) would always joke like that. Ganyan kami, make fun of each other. But dikit-dikit na ‘yung mga pusod namin.

“Bihira lang kami magkita pero ganyan naman kami palagi,” saad ni Jomari.

“Very impressive,” naman ang reaction niya sa kumalat na sex video scandal ni Mark Anthony.

Maingat na si Jomari sa mga sagot niya dahil hindi naman nagsasalita si Mark Anthony tungkol dito.