Sasabak pala sa kampanya si Kris Aquino.
Yup, sa Tarlac siya pupunta para tumulong sa mga kandidato nila.
Parang inihahanda na nga raw ni Kris ang anak na si Bimby sa pulitika.
Maaalalang inamin ni Bimby na gusto niyang maging lawyer kaya Legal Management ang kurso niya.
“‘Atty Bimb’ ha, ha, ha! Imagine mo?” sabi niya sa interview ni Ogie Diaz.
Nang tanungin kung papasok ba siya sa pulitika, sinabi ni Bimby: “It’s always ang option, eh, sabi ni Lola (Corazon Aquino) and my mom said and my family who entered politics, ‘it’s a calling’ eh.”
“Siyempre it’s not an easy job, but it’s a job that can help so many people. Alam mo naman sa pulitika, hindi naman toxic, Tito Ogie, but you have to be careful talaga, there’s a saying na, ‘There’s no permanent friend in politics, and there the wind blows,’ you have to be careful talaga,” sagot niya pa sa interview ni Ogie Diaz sa YouTube.
