MANILA, Philippines — Pangungunahan nina Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at District 2 Congressman Rolan Valeriano ang mga panauhin sa pagpapasinaya ng bagong renovate na Barrio Obrero Youth Athletic Association (BOYAA) playing court ngayong hapon sa Brgy. 188, Zone 17, Tondo II, Manila.
Imbitado din sa okasyon para sa pagdiriwang ng ika-76 taon ng isa sa pinakamatandang community-based sports organization sa Metro Manila, sina Manila Vice Mayor Yul Servo Nieto, mga miyembro ng Manila Council at mga barangay officials ng Zone 17.
Sinabi ni BOYAA president Vill Asuncion na magsisimula ang mga aktibidad sa alas-3:45 ng hapon sa pagbabasbas ng BOYAA court.
Ang buong kaganapan ay ila-livestream sa Facebook page ng BOYAA Inc.