Ang bongga naman ni Winwyn Marquez na tanggap kahit ‘di siya ang nagwaging Miss Universe Philippines.
Sa post niya ay binahagi niya ang kanyang mga realization.
Unexpected nga raw lahat sa journey niya na iyon at hindi raw niya inaasahan ang magandang sorpresa na mapapasakanya.
May mga araw raw na pakiramdam niya ang lakas niya pero meron ding mga araw na tinatamaan siya ng pagdududa.
Bilang nanay nga raw ay inaasahan ng mga tao na malakas siya parati pero natutunan niyang importanteng maging mabait sa sarili niya.
Sa totoo lang daw, hindi lamang daw iyon tungkol sa korona kundi umaasa raw siya na maipapakita niya na hindi ibig sabihin na nanay na ay titigil na sa mga pangarap.
Maaari raw iyon maging simula ng bago o makabuluhan.
Sino nga ba ang mag-aakala na sasabihin niya na parang panaginip na raw ang maging Miss Universe Ph 2025 1st runner-up.
Ang bongga nga na ang dami pa rin talagang tagasuporta ni Winwyn.
Nakita raw nila ang totoong saya nito nang ianunsyo ang panalo kahit hindi pangalan niya ang binanggit.
Good sport at good rival nga raw si Winwyn at tinanggap ang pagkatalo gaya ng isang totoong reyna.
May mga nagsabi pa nga na bumaba raw ang energy nito mula prelims hanggang finals dahil nga nagkasakit daw ito bago pa mag-Holy Week.
Halata nga raw na may sakit pa ito at maputla.
Kaya may mga nag-isip na hindi raw kaya ito nausog o nabati at nasabotahe?
Sana raw nagpatawas muna ito sa albularyo.
‘Kaloka.
Pero ang dami pa ring umaasa na sasali ulit siya next year at wish nga nila mapasa-kanya na ang korona.
Bongga.
