Melai, inaming kay Kris natutong mag-english


Isa si Melai Cantiveros sa mga pinakamahusay na host sa telebisyon ngayon. Matatandaang nagsimulang maging co-host ni Melai noon kay Kris Aquino sa Kris TV. Nagsimula naman ang pagiging ganap na host ng komedya sa Magandang Buhay noong 2016. Malaki ang pasasalamat ni Melai sa lahat ng kanyang natutunan kay Kris upang maging magaling na host. “Sobrang dami kong natutunan kay Ms. Kris. Lahat ‘yung English-English, saka the way ‘yung technical na mga hosting, sa kanya ko natutunan. Sobra akong proud talaga naman kay Ms. Kris ko pa natutunan. Hindi basta-basta,” paglalahad ni Melai.

Minahal na ng aktres ang pagiging host. Nae-enjoy umano ni Melai ang trabaho lalo pa’t mayroon ding mga natututunan mula sa kanyang mga nakakausap sa iba’t ibang programa.  “Noon para lang sa sweldo. Ngayon na-enjoy ko na siya. Naging career ko na siya. So, thank you, Lord at ipinaramdam Niya sa akin itong feelings na ito. Ang gusto ko sa pagho-host ‘yung malalaman mo at mai-inspire ka sa buhay ng guest mo. ‘Yon ang pinaka-the best sa akin. Kasi no man is an island. So kapag nalaman mo ‘yung kwento nila na napagtagumpayan nila ‘yung problema, doon ko nararamdaman na ang sarap pala mag-host. Marami ka pang matututunan, mas marami kang makukuhanan ng inspiration at marami ring mai-inspire sa ‘yo,” paliwanag ng komedyana.

Nikki at Mister, nahilig sa pagpapapawis

Apatnapu’t anim na taong gulang na ngayon si Nikki Valdez. Magtatatlong dekada nang aktibo sa show business ang aktres. Aminado si Nikki na mayroon siyang mga ginagawa upang mapanatiling maganda ang kanyang balat at pangangatawan. “I have to admit that I need a little help for the skin. But as much as possible, I try to do it as maintenance, not to change my face. Because for me ang real beauty naman is not changing the way you look. It’s just maintaining what you already have and improving to still be the best version of myself,” pagbabahagi ni Nikki.

Kapag walang trabaho ay sinisikap ng aktres na magpapawis kasama ang asawang si Luis Garcia. “I do sports, I do a lot of tennis. Of course, you can’t rely on treatments alone. You have to support that with the kind of food and regular activities. Recently, I’ve been really into tennis, like a lot. I play almost every day,” kwento niya.

Kahit abala sa trabaho ay sinisiguro ni Nikki na magawa ang mga bagay na makakapagpabuti sa kanyang kalusugan. “It wasn’t hard for me to get into being active to maintain that weight. And of course, it’s for your health. It’s not just to lose weight and looks thin. You do this to be healthy,” giit ng aktres. (Reports from JCC)