Ang Ginoong Antipolo | Pilipino Star Ngayon


Kinarir muna ni Justin Dela Cruz ang kanyang pag-aaral bago sumabak nang todo sa pagtatrabaho. (eh ikaw ba pwede makarir?!)Tinapos nya ang kurso niyang Financial Management sa kolehiyo. (ay mahilig sa budget?!)

“Marami po kasi akong tita na nagwo-work sa bangko. Sabi po nila marami raw pong opportunity sa bangko. Kaya ‘yan po kinuha kong course, “paglalahad ni Justin. (pwede mo ko ma-ging tito!)

Nasubukan naman nyang maging OJT sa bangko, pero mas nagka-opportunity siya sa isang derm clinic kung saan sya naging manager. (taray manager agad!)

“Natutunan ko ang mga sistema sa loob ng clinic. Kahit mga ilang procedure dun, natutunan ko dahil sa mga doktor namin.” (at kaya nya mag-gluta drip sa sarili nya!)

Matapos ang kanyang kontrata, pinagtuunan nya ng pansin ang dalawa sa kanyang matagal na pangarap. Ang pag-aartista at pagsali sa mga pageant. Estudyante palang siya nang mahilig sya sa pag-arte at pagrampa. (ako more on pagrampa!) Taong 2023 nang maging Mr. Caloocan sya at nakapasok bilang finalist sa Top Model Philippines. Ngayong taon naman, naging Ginoong Antipolo sya. (ay may tour ng mga lungsod si koya!)

“Gusto ko po talaga ‘yang pag-aartista at goal ko rin po talaga ‘yung manalo sa mga pageant. ‘Yung sa Ginoong Antipolo, open pageant sya kaya kahit taga Caloocan ako, pwede.” Pagpapaliwanag ni Justin. (walang pinapalagpas!)

Suki na rin sya ngayon ng mga teleserye at sitcom bilang talent. Wala rin syang uurungan kahit pa sexy pictorials at daring video shoots. “Kaya ko sexy. Kaya ko kita likod ko. Kaya rin kahit ‘yung harap. Walang problema if babae or lalaki ang ka-eksena.” (ikaw pa ba?!)

Sa kanyang guest appearance sa a-ming youtube channel na WTFu, isa sa naisip ng 22 anyos na binata na pwede nyang maka-partner sa isang maselang BL series ay si Teejay Marquez. “Sty-list po ni Teejay Marquez ‘yung friend ko. Nagpunta po sya sa bahay. Na-starstruck ako kasi ang gwapo nya, ang ganda po ng itsura nya.” (so wait, ano ba talaga, gwapo o maganda?!) Kaya eto ang message nya para sa aktor: “Tee-jay, pwede ba kita maka-love scene o maka bed scene.“ (ipa-check natin if willing and available!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com