MANILA, Philippines — Bigo si Alex Eala sa kaniyang unang pagsalang matapos sumuko kay Marta Kostyuk ng Ukraine, 6-0, 6-1 sa first round ng WTA 1000 Italian Open kahapon sa Italy.
Dominado ng Ukrainian bet ang buong laro gamit ang matatalim na baseline attacks at solidong court coverage para mabilis na mapigilan ang Pinay netter.
Makailang beses pang na-break ni Kostyuk si Eala na walang naisagot sa matinding puwersa na inilatag ng World No. 27 tennis star.
Iinaasahang reresbak si Eala sa women’s doubles kung saan makakapares nito si dating US Open champion at World No. 3 Coco Gauff ng Amerika.
Kung uusad sa doubles sina Eala at Gauff ay malaki ang maitutulong nito para mapataas pang lalo ang ranking nito sa WTA.
Nagtala ng bagong career-high ang 19-anyos Pinay netter matapos okupahan ang No. 70 puwesto sa world rankings.
Nakakuha ng karagdagang puntos si Eala dahil sa pagpasok nito sa second round ng Madrid Open.
Tinalo ni Eala si Viktoriya Tomova ng Bulgaria, 6-3, 6-2, sa first round su balit yumuko ito kay reigning French Open champion at World No. 2 Iga Swiatek ng Poland sa second round, 6-4, 4-6, 2-6.
Ang pagsabak ni Eala sa Italian Open ay bahagi ng paghahanda nito para sa prestihiyosong French Open sa Paris, France.
