Bongga ang chikahan…Alden, mission accomplished kay Tom Cruise


Solid ang ‘chikahan’ nina Hollywood actor Tom Cruise at Alden Richards.

Parang long lost friends sila nang magkita at mag-shake hands sa South Korea, sa premiere ng Mission Impossible : The Final Reckoning.

Yup, mission accomplished nga si Alden na ipinadala ng Paramount Pictures para sa meet and greet sa Tokyo for the latest edition of Mission Impossible.

Caption ni Alden : “Ethan meets Ethan…

I have no words!

#MissionImpossible.”

Kasalukuyang nasa Seoul para sa isang promotional tour sa ikawalong installment ng MI ang grupo nina Tom Cruise na ayon sa online reports, nagpaliwanag ang Hollywood actor na ang pelikula ay kumakatawan sa isang kumbinasyon ng lahat ng kanyang natutunan at nagawa sa kabuuan ng  malawak niyang cinema career.