Jake Cuenca, nakatatak kay Benhur Abalos


Inamin ni Senatorial candidate Benhur Abalos na gulat siya sa suporta ni Vice Ganda. Ang alam daw niya nga kasi ay hindi nag-e-endorse ang Unkabogable star.

Alam daw niyang metikuloso ito at namimili.

“Kaya I’m very thankful for that,” sabi ni dating DILG (Department of the Interior and Local Government) secretary kahapon sa ibinigay na mediacon nina Roselle, Dondon and Keith Monteverde of Regal Entertainment.

“Isipin mo, 16 million views, I think, close to 17 million views ang kanyang page,” sabi pa niya.

Wala raw itong bayad.

Aside from Vice, kabilang din sa sumuporta sa kanya sina Jake Cuenca, AiAi delas Alas, Priscilla Meirelles, Bea Santiago at ang kamag-anak niyang si Jason Abalos.

At markado pala ang pangalan ni Jake sa kumakandidatong senador dahil lupa ng kanyang lola ang pinag-umpisahan ng housing project niya sa Mandaluyong noon.

Aminado rin si Benhur na nasa number 33 siya sa mga unang survey pero sa huling survey ng SWS, tumaas ang bilang niya.

“I’m very thankful right now for all of these. Walang pinag-usapan, parang bang surprise birthday party para sa iyo eh, parang ganoon. The last day of campaign is tomorrow after that tapos na po. And this is very critical time at maraming-maraming salamat talaga,” emosyonal na pahayag pa niya na suportado ng maraming movie producer dahil nga sa mga nagawa niya noong nakaupo as MMDA / MMFF chair.

Naniniwala naman si Roselle na panahon na para mamili tayo ng tamang kandidato na mananalo lalo na aniya at parang hindi na umaasenso ang ating bayan at halos napag-iwanan na pagdating sa pag-asenso.

Saad naman ng apo ni Mother Lily at anak ni Roselle, sumuporta siya dahil napatunayan niyang marami itong nagawa sa movie industry.

“I haven’t been in the Philippines for a long time now, but in that time, I’ve gotten to know him (Abalos), what he stands for and I know that he will do great things for our country,” pahayag ni Keith.

Present din sa mediacon ang chairman of the board of the Movie Workers Welfare Foundation (Mowelfund) na si Ms. Boots Anson-Rodrigo na inihayag din ang suporta kay Abalos.