PVL may special award kina Soyud, Eroa at Saet


MANILA, Philippines —  Pararangalan sina Eli So­­yud, Alyssa Eroa at Chie Sa­et sa kauna-unahang Pilipinas Live PVL Press Corps Awards Night na na­katakda sa Mayo 28 sa Novotel.

Ang ng oppo­site hitter na si Soyud ng Akari ang ga­gawaran ng Most Im­proved Player award sa for­mal awards night na inihahandog ng Arena Plus.

Ang tubong Bago, Neg­ros Occidental ang isa sa mga sinandigan ng Char­gers sa nakaraang PVL All-Filipino Conference matapos silang igiya ni American im­port Oly Okaro sa silver finish sa 2024 Reinforced Conference.

Tinalo ni Soyud para sa MIP award sina Bernadeth Pons at Bea De Leon ng Creamline.

Si Eroa naman ang bi­­bigyan ng Comeback Pla­­yer of the Year honors sa kanyang paggiya sa Ga­leries Tower sa kauna-unahang quarterfinals appearance sa PVL.

Nagbalik ang 4-foot-11 defensive specialist sa PVL noong 2024 tatlong taon ma­tapos huling maglaro para sa PLDT sa bubble season sa Bacarra, Ilocos Norte.

Inungusan ni Eroa para sa tropeo si Jovelyn Gonzaga ng ZUS Coffee

Samantala, hihirangin si Saet bilang Miss Quality Minutes sa kontribusyon niya sa pag­rereyna ng Petro Gazz sa PVL AFC kontra sa Creamline.

Ang 40-anyos na si Sa­et ang naging main play­ma­ker ng Gazz Angels sa paggupo ng Cool Sma­shers sa kanilang best-of-three championship series.

Dinaig ni Saet para sa karangalan sina Judith Abil ng Cignal at Royse Tubino ng Choco Mucho.