Marjorie at Ara, may pangako kahit hindi nanalo


May promise si Marjorie Barretto kahit hindi siya nagwaging konsehal sa Caloocan, District 1.

Kasama nga siya sa maraming celebrity na hindi pinalad na magwagi noong nakaraang mid-term elections.

Pero lumaban daw siya ng patas : “Hindi man tayo pinalad…

“Lumaban tayo ng patas…

“Maraming Salamat sa 112k votes. Grabe kayong magmahal district 1! Pinaramdam ninyo sa akin yan saan man ako nagpunta. Sa lahat ng tumulong at nag tiwala ng walang kapalit, MARAMING SALAMAT! Hindi po tayo nagtatapos dito, pahinga lamang po ako ng kaunti at sa tulong ng Dyos matutupad pa rin ang mga pangarap ko para sa inyo ng hindi kailangan ng posisyon. Grateful for the memories and the people i met along the way.”

Ganundin din si Ara Mina, na malungkot sa kapalaran sa pagpasok sa pulitika. Banggit niya sa isang post : “Sa bawat araw ng pag-ikot ko sa bawat sulok ng Pasig, dama ko ang tibok ng inyong puso. Ramdam ko ang mga kwento ninyo, ang mga pangarap, at ang pag-asa ninyo para sa mas magandang bukas. Hindi bilang kandidato kundi bilang kapwa Pasigueño, ibinuhos ko ang lahat para sa ating mahal na lungsod. ?

“Hindi ito paalam. Ito ay pangako—na patuloy pa rin akong magsisilbi sa paraang alam ko. Nandito pa rin ako, tapat, may malasakit, at buong pusong maglilingkod para sa Pasig at sa bawat pamilyang bumubuo nito.?”