Haliburton, Pacers lusot sa Knicks sa OT


NEW YORK — Isinalpak ni Tyrese Haliburton ang panablang jumper sa pagtatapos ng regulation patungo sa 138-135 overtime win ng Indiana Pacers sa Knicks sa Game 1 ng kanilang Eastern Confe­rence finals showdown.

Tumapos si Haliburton na may 31 points at 11 assists at may 30 markers si Aaron Nesmith tampok ang 8-for-9 shooting sa three-point range para sa 1-0 lead ng Indiana sa kanilang best-of-seven series ng New York.

Nakatakda ang Game 2 bukas.

“It’s always special. It’s al­ways fun,” ani Nesmith. “This is what we live for.”

Kinuha ng Knicks ang 14-point lead sa huling da­lawang minuto ng fourth quarter bago nagsalpak si Nes­mith ng magkakasunod na 3-pointers para ibangon ang Pacers.

Lamang ang New York sa 125-123, ipinasok ni Ha­liburton ang akala niyang game-winning triple para sa Indiana sabay ang pagpa­pa­­kita ng ‘choke sign’.

Ngunit nakita sa replay na tumapak sa linya si Haliburton at ito ay isa lamang 2-pointer na nagresulta sa 125-125 tabla para sa overtime period.

Bumira sina Andrew Nembhard at Obi Toppin sa extra period pa­ra selyuhan ang panalo ng Pacers.

Bumira si Jalen Brun­son ng 43 points sa panig ng Knicks, habang tumipa si Karl-Anthony Towns ng 35 points at 12 rebounds.

Hindi kinaya ng New York na hawakan ang ma­laki nilang kalamangan nang maupo si Brunson sa bench dahil sa foul trouble sa fourth quarter.

“Give them a lot of cre­dit. They closed the game out like they’ve been doing all playoffs,” wika ni Brunson sa Indiana. “Just not really good on our part.”

Samantala, target ng Ok­lahoma City Thunder na maitayo ang 2-0 lead sa kanilang Western Con­­fe­­rence finals series ng Min­nesota Timberwolves.

Tinalo ng Thunder ang Tim­berwolves, 114-88, sa Game 1.