Maja, maraming pinakawalang endorsement sa anak


Mag-iisang taong gulang na ngayong Sabado ang anak nina Maja Salvador at Rambo Nuñez na si Maria.

Mula nang manganak ang aktres ay hindi pa kailan man ipinakita sa social media ang mukha ng kanilang supling. “We have friends na ang kwento is hindi nila alam kung paano mag-react. Kasi minsan ‘yung nakyutan sa anak nila, kukurutin eh. Hindi mo ma-explain ‘yon sa mga bata na parang, ‘Sino sila?’ Kung naumpisahan mo nang i-post siya, parang mangyayari talaga ‘yon eh. Hihilahin ‘yung bata magpa-picture, pisilin ‘yung pisngi. Don’t have any idea bakit sila ginagano’n, na kilala pala sila. ‘Yon ‘yung iniiwasan namin. Because hindi ko rin alam mag-react, na parang, ‘Ay! Bawal po.’ And then, ‘Bakit bawal? Eh pino-post n’yo siya?’” paliwanag ni Maja.

Maraming endorsement offers na rin umano para sa anak ang tinanggihan ng mag-asawa. “May mga brands na gusto na, kahit name your price. Sabi ko, hindi talaga,” kwento ng aktres.

Sa darating na Oktubre ay magtatatlumpu’t pitong taong gulang na si Maja. Nagpaplano na raw ang mag-asawang sundan na ang panganay na anak. “Basta before mag-40, gano’n lang, two talaga. Two or three, okay na ‘yon,” pagtatapat ni Maja.

Janice, mas masaya na walang lalake sa buhay

Taong 2001 nang maghiwalay sina Janice de Belen at John Estrada. Mula nang mapahiwalay sa dating mister ay hindi na raw umibig pang muli ang beteranang aktres. “I keep on praying that it does not happen. Weirdly because nakita ko na ang sarili ko while I’m in love. I’m not a logical or rational person. I’m not able to see left and right. I can’t think straight. I am there, I am really there, nobody’s fault but mine. Alam ko ‘yon, I’ve accepted that,” makahulugang pahayag ni Janice.

Maraming mga bagay ang natutunan ng dating child star mula sa relasyon nila ng dating asawa. Sa loob ng mahigit da­lawang dekada ay nakasanayan na ni Janice na mabuhay nang walang nobyo. “Na-realize ko na ayoko na ng kasama sa kwarto. Ayoko ng may ka-share sa bathroom. Ayoko na ng may ka-share sa remote control. I’m happy with being able to do things when I want to. Kung hindi ako makatulog, hindi ako matutulog or I get up at night, pupunta ako sa aking office, uupo lang ako doon and mag-iisip ako ng gagawin. At least I don’t have to tell anybody. If I want to go and buy let’s say 10 books. I don’t have to ask anybody’s permission,” paliwanag niya.

Kahit walang karelasyon ay masayang-masaya naman umano si Janice sa kanyang buhay. “They always ask me. ‘Hindi ka ba nalulungkot? Kasi mag-isa ka, wala kang boyfriend, wala kang partner.’ Hindi, kasi if you can’t be happy alone, you can’t be happy with another person. Dapat mag-isa ka, kaya mo,” giit ng beteranang aktres. — Reports from JCC